MENU

Pinaunlakan ni Propesor Felipe De Leon, Tagapangulo ng Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining, ang mga kawani ng Pasuguan ng Pilipinas sa Hanoi ng isang munting diskusyon tungkol sa wikang Filipino bilang paggunita ng Buwan ng Wika.

Tinawag na “Kapehan sa Pasuguan”, ang mga kawani ay nagbahagi ng kanilang mga kuro-kuro at tanong ukol sa paggamit ng wikang Filipino. Ibinahagi din ni Ambassador Noel Servigon ang kanyang mga napagtanto sa pagkakahalintulad at pagkakaiba sa pagpantig ng mga salita sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas at sa mga bansang kanyang napuntahan kabilang na ang Vietnam.

Ayon kay Propesor De Leon, ang wikang Filipino ay natatangi sa lahat ng wika sa mundo. Ito rin ang pinaka-mahirap unawain at matutunan kumpara sa wikang Ingles. Ang isang salitang ugat ay maaring magkaraoon ng iba’t-ibang kahulugan base sa pagkakagamit. 

Nagpasalamat ang lahat ng kawani ng Pasaguan sa espesyal na araw na makasama si Propesor De Leon.